PBBM sa pagtalaga ng DOH chief: ‘Pag normal na lahat

PBBM sa pagtalaga ng DOH chief: ‘Pag normal na lahat

October 21, 2022 @ 7:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na saka lamang siya magtatalaga¬† ng isang health secretary kung balik na sanormal ang sitwasyon ng bansa sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Sa sideline ng isang business event sa Manila Hotel, tinanong kasi si Marcos kung kailan niya planong magtalaga ng Department of Health (DOH) secretary sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.

“The reason is I want people to understand that this is the government’s work, not everything is a crisis, so inormalize natin ang trabaho ng gobyerno. That is what I am trying to do, so that everyday functions are fulfilled, everyday without fuss, without bother, without gulo, without fixers, without paying, ‘yan ang inaayos ko. So that is what I am hoping to get to that point, especially in the DOH and DA,” dagdag pa na paliwanag ng Pangulo.

Pinalawig ni Marcos noong Setyembre ang state of calamity sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19 hanggang Disyembre 31, 2022. RNT