PBBM sa PH humanitarian contingent sa Türkiye, ‘good work’

PBBM sa PH humanitarian contingent sa Türkiye, ‘good work’

March 2, 2023 @ 8:44 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  Philippine inter-agency contingent na ipinadala para tulungan ang mga biktima ng  nakapipinsalang magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Türkiye noong Pebrero 6.

Sa isang Facebook post, ikinatuwa ng Pangulo nang malaman nito na ang  82-man team ay ligtas na nakabalik ng Pilipinas matapos ang kanilang  humanitarian mission sa Istanbul.

“Welcome back from Türkiye to our relief workers. Your rescue and relief efforts were a job well done. Good work and welcome home,” ayon sa Pangulo.

Ang Pangulo ay nagpalabas ng kanyang kalatas sa parehong araw na dumating na sa bansa ang  Philippine humanitarian team.

Pinasalamatan din nito ang  Philippines’ response team para sa pagsisilbi sa 1,022 pasyente, tumulong na ma-recover ang bangkay ng anim na quake victims at nag- assess sa 36 gusali sa Türkiye.

Pinuri rin niya ang mga ito sa pagbibigay sa mga biktima ng 11,205 piraso ng kumot, 5,000 piraso ng bonnet, at 420 pares ng gloves.

Ang  Philippine contingent ay binubuo ng 30 emergency medical technicians mula  sa Department of Health; 21 miyembro ng 525th Engineer Combat Battalion, 51st Engineer Brigade ng Philippine Army; 12  mula sa 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force; 9 mula sa Metro Manila Development Authority; 8 mula sa  Subic Bay Metropolitan Authority; at 2 mula sa Office of Civil Defense.

Ang  team ay dumating sa  Istanbul noong Pebrero 9 at nanatili roon ng dalawang linggo.

“Türkiye’s government will no longer accept a second contingent from the Philippines, as the so-called element of “life-saving time” has already lapsed,” ayon kay OCD spokesperson Assistant Secretary Rafelito Alejandro IV noong Pebrero 13.

Gayunman, maaari namang magpadala ang Pilipinas o mag-donate ng non-food items sa gobyerno ng Türkiye. Kris Jose