PBBM sa Pinoy scientists, researchers: ‘Manatili sa Pinas’ 

PBBM sa Pinoy scientists, researchers: ‘Manatili sa Pinas’ 

November 23, 2022 @ 2:48 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga  Filipino scientists at researchers na manatili sa Pilipinas.

Naniniwala ang Pangulo na magiging aktibong katuwang ng gobyerno ang mga ito pagdating sa nation-building.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang  2022 National Science and Technology Week (NSTW) celebration na idinaos sa World Trade Center sa Pasay City.

Dumalo rin sa nasabing okasyon si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.

“I encourage our Filipino scientists, researchers, inventors and innovators, to continue sharing your expertise, especially to young people. I urge you to stay in the country as you pursue your career. We will continue to support you and continue to look to you to be active partners of the government,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na ang mga nasabing scientists at researchers ay dapat lamang na makatuwang ng national government at iukol ang kanilang kasanayan  para iangat ang buhay ng mga Filipino at tumulong sa pagtatayo ng  mas sustainable na bansa.

Aniya, dapat na bigyan ng direksyon ng pamahalaan ang science at development field upang ang kalalabasan ng bawat  pagsasaliksik ay kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, negosyante,  MSMEs, at lahat ng mga mamamayan.

“I’ve spoken to some of the researchers and some of the – those that are administering the research institutes around the country, not only agriculture but all kinds of other research and development,” ayon sa Pangulo.

“And they’re willing to take direction from us, from the private sector as to what are the necessary technologies for the Philippines in terms of improving – well again, climate change mitigation, adaptation, and our food supply, our economic transformation, all of these things,” dagdag na pahayag ni Marcos.

Inulit naman niya ang kanyang panawagan sa DOST na magbigay ng mas maraming scholarships sa mga  estudyanteng Filipino para makabuo ng mas malaking pwersa ng mga siyentipiko, mananaliksik at innovators sa bansa.

“Through this, we will institute a scholarship program, specifically for STEM students, and this will not be limited to those who have shown their capabilities, their ability, and how they deserve these scholarships here in the Philippines but to any institution that they are accepted to abroad. So this is important so that we continue to develop our workforce, we continue to develop our capabilities, and our knowledge,” aniya pa rin. Kris Jose