PBBM sa PNPA graduates: Tapat na maglingkod sa publiko

PBBM sa PNPA graduates: Tapat na maglingkod sa publiko

March 10, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police Academy’s (PNPA) Masidtalak Class of 2023 na maging ahente ng katarungan at maglingkod ng may mataas na moral integrity sa pagprotekta sa mga tao sa kabila ng kasalukuyang “roadblocks” o hamon na kinahaharap ng PNP.

“As the citizen’s peacekeeping force, be just, be morally upright, and commit yourself to protecting and defending the rights of our people notwithstanding the current challenges faced by the PNP organization,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 44th Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) “MASIDTALAK” Class of 2023 na idinaos sa Brigadier General Cicero C. Campos Field Philippine National Police Academy (PNPA) Camp General Mariano Castaneda Silang, Cavite.

“I also ask you to be catalysts for restoring public trust in the Philippine National Police, and to be recognized as protectors and defenders of peace, order, and human rights; the Bureau of Jail Management and Penology, as safekeepers of the general welfare of those persons deprived of liberty; and the Bureau of Fire Protection, as protectors of the nation from fires and other emergencies,” anang Pangulo, sabay-sabing “with fairness and impartiality, regardless of status in society.”

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na ang  public service ay dapat na “devoid of prejudice, favoritism or discrimination, for all Filipinos are entitled to equal rights and opportunities.”

Sa kabilang dako, binati naman ng Punong Ehekutibo ang Masidtalak Class of 2023 para sa matagumpay na pagkumpleto nito sa Cadetship Program sa kabila ng COVID-19 pandemic, pinuri ang  PNPA para sa pagtatakda ng “highest standards” sa edukasyon, pagsasanay at pagsaliksik para makapag-produce ng may kakayahan, maaasahan at makabayan na lider.

“To our new graduates, remember that your diligence, perseverance, and commitment have led you to this moment, but know that this is only the beginning of your ceaseless pursuit of honor, integrity, and service,” ayon sa Pangulo.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang lahat ng mga magulang at mahal sa buhay ng mga nagsipagtapos dahilan upang makumpleto ng mga ito ang kanilang  cadetship program.

Ang Pangulo, isang honorary member ng PNPA’s Tagapagbuklod Class of 1989,  ay pinuri rin ang mga opisyal at tauhan ng PNP, BFP, at BJMP para sa paghahandog ng kanilang buhay para sa katuparan ng kanilang obligasyon lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

“Through their effort,  the government managed to reach out to the people in far-flung areas and remote communities and provided them with the assistance and services they need to overcome the worst of the global pandemic,” ayon sa Pangulo.

Kinilala naman niya ang pasisikap at sakripisyo ng mga ito na tugunan ang krimen, lipulin ang ilegal na droga, at iba pang lawless elements, maging ang probisyon ng  educational assistance programs para sa mga benepisyaryo ng active personnel na napatay, nasugatan o “permanently disabled at incapacitated” dahil sa pagganap sa tungkulin.

“I assure you of this Administration’s support to your plans and programs to deliver more responsive, efficient, and effective services to our people,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“This year, there are 208 graduating cadets, who have endured the challenges due to restrictions brought by the COVID-19 pandemic,” ayon kay PNPA director Maj. Gen. Eric Noble.

Samantala, iniulat naman ng PNPA na sa nasabing bilang, 186 ang sasama sa  PNP, 11 sa  BJMP at 11 sa  Bureau of Fire Protection. Kris Jose