PBBM sa US trip: I’m happy with the results

PBBM sa US trip: I’m happy with the results

September 24, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “satisfied” siya sa resulta ng kanyang six-day working visit sa Estados Unidos.

Sinabi ng Pangulo na “satisfied” siya sa nagawa niyang trabaho at itinuturing niyang “matagumpay” ang kanyang unang byahe sa Estados Unidos.

Sinabi ng Pangulo na nakamit niya at ng Philippine delegation ang nilalayon nila sa nasabing byahe, nakipagpulong sa ilang American business leaders, at maging sa ilang state leaders.

“We take away from this trip with a great deal of work to do to operationalize all of the things we have talked about. The most important thing to me was to get these discussions started and we have achieved that,” ayon Kay Pangulong Marcos.

“Overall, I can say that I consider the trip a success, and overall I am satisfied with the work that we have done. Lahat ng nais nating gawin ay nagwa natin, lahat mg nais mating kausapin ay talaga namang handang makipag-usap sa atin. And that kind of response is, of course, very gratifying,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Samantala, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos kung paano siya nanawagan ng pagkakaisa, “key message” sa kanyang 2022 presidential campaign para sa “global scale,” sabay sabing ang naging tugon ng mga world leaders ay “very good.”

Sinabi ng Pangulo na personal siyang masaya sa pagbabalik niya sa Estados Unidos matapos ang dalawang dekada

“On all those fronts, we have made progress and all in all I’m very happy we came and I’m very happy with the results of the visit,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, umalis si Pangulong Marcos sa Estados Unidos, Biyernes ng gabi at inaasahan na darating sa Pilipinas, Linggo ng umaga. Kris Jose