PBBM sa WEF: Industrial park target itayo sa Pampanga

PBBM sa WEF: Industrial park target itayo sa Pampanga

January 19, 2023 @ 3:49 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng interes ang Dubai-based logistics company na DP World ng pagtatayo ng industrial park sa bansa.

Ito ang inihayag ng Malacañang nitong Huwebes, Enero 19.

“We are committed to investing in the Philippines; we’re committed to [expanding],” sinabi ni DP World Group chairman Sultan Ahmed bin Sulayem kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland nitong Miyerkules.

“So we’re interested in the Philippines, in industrial parks,” dagdag pa.

Sinabi ng Presidential Communications Office na tinatarget ng kompanya na magtayo ng industrial park sa Clarkfield, Pampanga.

Ani Sulayem, ang DP World Group ay nagtatayo ng mga industrial park sa iba’t ibang bansa.

Kasalukuyan din na nagtatayo ang naturang kompanya sa industrial park sa Senegal, Egypt, India at Pakistan.

“DP World could add value to the supply chain, with sea transportation being the cheapest means of moving cargo.”

Sinabi naman ni Marcos na pagdedesisyunan pa ng pamahalaan ang mga posibleng lugar na may kaugnayan sa operation at planning maging ang mga ideal locations para rito.

“And if it’s viable and those areas are actually useful for your operation, then that would be something that we can immediately develop,” ani Marcos. RNT/JGC