PBBM sa world leaders: regional food security, palakasin

PBBM sa world leaders: regional food security, palakasin

November 14, 2022 @ 8:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga  world leaders  na palakasin ang food security sa  East Asian region.

Tinukoy ang panganib gaya ng climate change  na  aniya’y maglalagay sa panganib sa global supply chain.

Sa kanyang naging interbensyon sa 17th East Asia Summit (EAS), tinukoy ng Chief Executive ang pangangailangan na magkaisa at gawin ang lahat ng makakaya para makamit ang  environmentally-sound economic progress.

“It has become glaringly clear that there is a dire need to strengthen food security towards self-sufficiency in our region, to increase adaptability and resilience in the face of threats to the global supply chain,” ayon sa Pangulo.

“It is incumbent upon us, for our sake and that of future generations, to act decisively and immediately on climate change,” dagdag na pahayag nito.

Kausap ni Pangulong Marcos ang mga global leaders gaya nina  President Joe Biden, Chinese Premier Li Keqiang, New Zealand Prime Minister Jacinda Kate Ardern, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, India Vice President Jagdeep Dhankhar, South Korea President Yoon Suk Yeol, at Australia Prime Minister Anthony Norman Albanese.

Ang Pilipinas ay nasa-10th most vulnerable country sa climate change,  base sa “Climate Finance in Asia”, ulat ng Oxfam na nauna nang  ipinalabas ngayong buwan.

Pumwesto rin ang Pilipinas sa 113th mula sa 182 mga bansa sa  Notre-Dame Global Adaptation Initiative Index para sa taong 2020.

“Just last month Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae) caused some P2.86-billion worth of damage and losses to the local agriculture sector,” ayon sa Department of Agriculture (DA).

Bago pa ito, kapuwa sinabi ng Department of Finance (DOF) at Philippine Statistics Authority (PSA)  na umaasa sila na ang  inflation ay mananatiling mataas  sa natitirang taon, bunsod ng paghina ng piso at pinsala dulot ng Bagyong  Karding (international name: Noru).

“Inflation clocked in at a 14-year-high of 7.7% in October due to higher prices of food and non-alcoholic beverages which climbed by 9.4%, accounting for an 80.9% share of the overall inflation,” ayon sa ulat.

“Our people look to their leaders, to us, to correctly navigate the uncertain waters of this new world. Our partnerships will make us strong. Our partnerships will give us wisdom,” ang pahayag ng Pangulo. Kris Jose