PBBM saludo sa para-athletes

PBBM saludo sa para-athletes

August 9, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nag-paabot nang pagbati at papuri si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa mga atletang pinoy na lumahok at nanalo sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa  Indonesia.

Ayon sa pangulo, ang dedikasyon ng mga atleta ay  “magandang halimbawa” sa mga kabataang pinoy na nais na subukan ang kanilang swerte sa Philippine sports.

“Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lamang na 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia.

Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

 “Ang kanilang katatagan at dedikasyon ay isang mabuting huwaran sa bawat kabataang nangangarap maging isang atleta,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Nakasungkit ang Pilipinas ng  28 gold, 28 silver, at  44 bronze medals at hinirang na 5th place sa  overall tally sa regional meet at natabunan ang  nakolektang 20 golds, 20 silvers, at 29 bronze noong 2017 Malaysian edition. KRIS JOSE