PBBM sasalang sa ASEAN summit briefing

PBBM sasalang sa ASEAN summit briefing

November 4, 2022 @ 11:33 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines -Nakatakdang sumalang ngayong araw, Nobyembre 4 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang briefing bilang bahagi ng paghahanda sa nakatakdang pagdalo nito sa Association of Southeast Asian Nations Summits and related meetings sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang magiging partisipasyon ng Chief Executive sa ASEAN Summit ay nakatakda sa darating na Nobyembre 10 hanggang 13.

Sinasabing ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling isasagawa ang ASEAN Summit ng “face to face” mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ito rin ang unang pagkakataon na dadalo si Marcos sa nasabing event bilang Pangulo ng Pilipinas.

Maliban sa ASEAN briefing, nakatakda namang makipagpulong mamayang hapon si Pangulong Marcos kay Chen Yi Agventures, nagkaroon ng malaking papel sa pagtulong sa mga magsasaka kasunod ng pananalasa ng bagyong Yolanda at sinasabing may malawak na kasanayan sa seed procurement, planting, farm management, harvesting at rice production. Kris Jose