PBBM: Sining at kultura, ipakilala

PBBM: Sining at kultura, ipakilala

September 11, 2022 @ 11:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  Cultural Center of the Philippines (CCP) at educational institutions, at maging ang  government at private sector  na dalhin at ipakilala ang sining at kultura sa mga kabataan.

Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-53 anobersaryo ng CCP, sinabi nito na makapagbibigay inspirasyon  ito sa mga kabataan  bukod pa sa magiging daan upang mas lalo pang ma-develop  ang  mga “talented and promising” young artists sa bansa

“Let us all support our people’s interest in culture and the arts through scholarships and grants and enhancement training. Let us empower as they join the center of world-class Filipino artists in the fields of music, voice, dance, theater, and written and visual arts,” ang  nakasaad  pa rin sa mensahe ni Pangulong Marcos na binasa ni CCP chairman Jaime  Laya.

“I also exhort all of us to bring culture, the arts, and the creative industry down to the loneliest barangay in the country,” dagdag na pahayag nito.

Aniya pa,  nakahandang tumulong ang  Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Trade and Industry (DTI) “to  develop and promote the creative industry through innovation and financial support.”

Sa kabilang dako, nangako rin ang Punong Ehekutibo na susuportahan ang sining gaya ng ginawa ng kanyang mga magulang na sina  dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos sa nakaraan.

Ang  Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas.

Ito ay naglalangkap ng mga pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga paglilingkod na tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig.

Ang mga pinakamahusay na artista mula sa mga iba’t ibang panig ng bansa at ng daigdig ay binibigyan ng karangalan habang nagtatanghal sa mga tanghalan at galerya ng CCP, kung saan nabibighani ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon mula itinatag ito. Kris Jose