PBBM: ‘This country will not lose one inch of its territory’

PBBM: ‘This country will not lose one inch of its territory’

February 18, 2023 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na hindi nito hahayaang mawala kahit isang pulgada ng teritoryo nito.

“This country will not lose one inch of its territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” pahayag ni Marcos sa alumni homecoming sa Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City.

Ang komento ni Marcos ay kasunod ng paghahain ng protesta ng Pilipinas sa paggamit ng China ng military-grade laser, kabilang ang mapanganib na mga aksyon nito, laban sa Coast Guard vessel habang nasa resupply mission para sa Filipino troops sa Ayungin Shoal.

Sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs, sinita ng Manila ang China’s Coast Guard dahil sa “latest aggressive activities” nito laban sa Philippine vessels, na nagpaigting sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na ilang taon nang pinagtatalunan ang resource-rich waters.

“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” giit ni Marcos. RNT/SA