PBBM, Unang Ginang dumalo sa APEC Gala Dinner

PBBM, Unang Ginang dumalo sa APEC Gala Dinner

November 18, 2022 @ 9:23 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dumalo sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos sa gala dinner bilang bahagi ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’s Meeting ngayong taon.

Si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha ang nagsilbing host ng nasabing gala dinner kung saan dumalo ang Pangulo suot ang isang barong,  habang ang kanya namang maybahay ay nakasuot ng isang Filipiniana butterfly sleeve dress.

“At the gala, economic leaders from the Asia-Pacific region were treated with the best of Thai culture and cuisine,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sa kabilang dako, dumalo rin sa nasabing gala dinner ang mga lider ng  iba  pang  APEC members na kinabibilangan ng  Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Pilipinas, Russia, Singapore, Taiwan, Thailand, Estados Unidos, at Vietnam.

Dumating si Pangulong Marcos sa Bangkok, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 16 kung saan nakatakda siyang magdaos ng anim na bilateral meetings. Kris Jose