PBBM, Unang Ginang kasali sa royal audience ng Thai King, Queen

PBBM, Unang Ginang kasali sa royal audience ng Thai King, Queen

November 19, 2022 @ 10:23 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Kasama sina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Unang Ginang  Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos, sa mga  global leaders at asawa ng mga ito sa pinagkalooban ng royal audience sa  sidelines ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon sa  Office of the Press Secretary (OPS), ang royal audience ay ipinagkaloob ni King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana sa Chakri Maha Prasat Throne Hall.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye ukol dito.

Ang Thailand  ang tumayong  host  ng APEC Summit ngayong taon,  kung saan nagsama-sama ang mga economic leaders  mula sa iba’t ibang rehiyon para talakayin ang “revitalizing recovery, reviving growth, at integrating inclusivity.”

Kasama sa 21 miyembro ng APEC  ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, the People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Pilipinas, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, Estados Unidos at Vietnam.

Nakatakda namang tapusin ni Pangulong Marcos ang kanyang 4-day working visit sa Thailand ngayong araw, Nobyembre 19 sa pamamagitan ng  bilateral meetings sa kanyang counterparts mula  New Zealand, Australia, at Thailand.

Nakatakda rin siyang magkaroon ng  business call kay Siam Cement Group at makipagpulong sa  Filipino community sa Bangkok bago pa siya lumipad pabalik ng Pilipinas mamayang gabi. Kris Jose