PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

January 1, 2023 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang unang world leader na nakatakdang bumisita sa China sa 2023.

Sa idinaos na Foreign Ministry press conference ng China, sinabi ni spokesperson Wang Wenbin na si Marcos ang kauna-unahang foreign head of state na tatanggapin ng China sa taong 2023.

“This will be President Marcos’s first visit to China after taking office and his first official visit to a non-ASEAN country. It fully demonstrates the high importance China and the Philippines attach to bilateral relations,” ayon pa rin kay Wenbin.

Sa magiging pagbisita ng Pangulo, magkakaroon ito ng pag-uusap kasama si Chinese President Xi Jinping.

“Leaders of the two sides will have in-depth exchanges of views on bilateral relations and regional and international issues of mutual interest and jointly chart the course forward for our relationship,” dagdag na wika ni Wenbin.

Samantala, sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang administrasyon ay maninindigan sa independent foreign policy at ang interes ng bansa ang kanyang magiging primordial guide.

Iginiit naman ng Pangulo na hindi niya hayaan ang China na yurakan ang maritime rights ng Pilipinas sa karagatan, taliwas kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na atubili na batikusin ang superpower country.

Bi-byahe ang Pangulo patungong China kasama si Unang Ginang Liza Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at ilang cabinet secretaries. Kris Jose