PBBM: Voter education isama sa K-12

PBBM: Voter education isama sa K-12

March 11, 2023 @ 11:40 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nais niyang isama ang voter education sa K-12 curriculum.

Layon nito na bigyang kakayahan at kapangyarihan ang mga kabataang filipino at hikayatin ang mga ito na pumili ng kikilalaning lider ng lipunan.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 2023 National Election Summit sa Pasay City, araw ng Biyernes, Marso 10 na may ilang reporma sa election process ang dapat gawin upang matiyak na tama o akma at hindi mababago ang pagiging sagrado ng mga botohan at tiwala ng mamamayang filipino.

“We must act on it decisively and enforce concrete measures to turn our plans into reality,” ayon sa Pangulo.

“Now that we use modern technologies to advance and make our election system more reliable, I am sure that we can implement positive reforms and make election result transmission faster and maintain its accuracy,” dagdag na wika nito.

Dahl dito, sinabi ng Pangulo na dapat na isama ang voter education sa curricula ng K-12 program hanggang tertiary level para makasama ang mga kabataang filipino sa talakayan.

“In ensuring excellent results, we must continue to discuss the nitty-gritty of our processes, including recalibrating the capacity of our teachers as electoral board members and integrating voter education in the curricula of K to 12, tertiary level, and the National Service Training Program,” ayon kay Pangulong Marcos.

“So as we engage in discussions amongst our students and the Filipino youth, we likewise promote and encourage them to form and cast an informed vote, as well as discerningly choose the leaders of our society,” dagdag na wika nito.

Ang National Election Summit ang nagsisilbing plataporma para sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang election stakeholders na naglalayong “develop and commit to implementing strategies, governance mechanisms, and policies that would build on trust and strengthen confidence in the country’s election system.”

Winika pa ng Pangulo na ang nasabing event ay napapanahon lalo pa’t nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Nanawagan naman ang Pangulo ng aktibong kooperasyon mula sa stakeholders, eksperto, at civil society organizations na tiyakin ang malaya, patas at kapani-paniwalang halalan sa pakikipagtulungan sa mga mamamayan.

“Driven by the commitment to strengthen the people’s trust and confidence in the COMELEC, I ask you to open yourselves to the recommendations of our experts and Filipino voters, who are [our] partners in ensuring free, orderly, honest, and credible elections,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Let us learn from the areas we need to improve and explore solutions to make things work better for our beloved country,” aniya pa rin. Kris Jose