PBBM VS PETRO SMUGGLING

PBBM VS PETRO SMUGGLING

July 28, 2022 @ 5:21 PM 3 weeks ago


DAHIL sa nagbabadyang food crisis dala ng mga problemang bumabalot sa sektor ng agrikultura, nagdesisyon si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na pangunahan muna ang liderato at pagpaptakbo ng Department of Agriculture.

Samu’t saring problema ang kinahaharap ng agriculture sector na sisilipin ng Pangulo na dapat mabigyan ng solusyon, kasama na ang ayuda sa naghihingalong farm workers para makapagsimula sa kanilang pagsasaka.

 Pero ang pangunahing problema kaya nalugmok ang sektor ng agrikultura sa bansa ay ang ‘di masawa-sawatang smuggling ng pagkain, katulad ng bigas, pork, poultry product at iba’t ibang food merchandize.

  Ang pagdagsa ng smuggled foods ay dahil na rin sa kapabayaan ng mga korap na opisyal ng iba’t ibang sangay ng gobyerno na nangugunsinti sa sindikato tulad ng Bureau of Agriculture, Bureau of Customs at Philippine National Police.

  Kung nahaharap tayo ngayon sa krisis sa pagkain, gayon din ay nasusuong tayo sa krisis sa enerhiya dahil sa abot langit na presyo ng diesel, gasolina, gaas at maging ang liquefied petroleum products.

Tulad ng pagkain, ang petro smuggling ay patuloy din dahil sa pangungunsinti ng mga tiwaling opisyales at kawaning BOC, PNP, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority at maging ang elected officials ng local government unit.

Ang desisyon ni PBBM na pangunahan mula ang pagpapatakbo ng DA, kailangan nang kumilos ang Pangulo para masawata ang matagal na at lantarang operasyon ng oil smuggling ring, isama na ang operasyon ng paihi o patulo gang.

Batid ng PNP, BOC, coast guard, PPA at mga LGU ang nangyayaring petro smuggling sa Batangas City at ang lantarang paihi at patulo ng petroleums sa Calabarzon area at Region 3 pero tila, bulag, pipi at bingi ang mga awtoridad dito.

Sa ulat, ang nagpapatakbo o financier ng oil smuggling saBatangas port ay isang ‘Mario Tan’ na kaanib ng kilalang samahan ng mga negsoyante na Binondo group, kasama ang isangalyas ‘Dondon’ naisang big-time gambler.

Lantaranang petro smuggling ni ‘Tan’ at ‘Dondon’ sa Batangas Port, pero tila natutulog sa pansitan  ang mga pinuno PNP at PPA.

Baka kailangan pa nilang masita ni PBBM.

                                                               *****

PAIHI SA R4-A AT R3 LANTARAN

Tulad ng petro smuggling sa Port of Batangas, lantaran ang operasyon ng paihi sa Diversion Road, Batangas City;  Brgy. Banay-Banay 11, San Jose,  Batangas;  Eco Road, Brgy. Talim, Lucena City  at Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon,

Sa Region 3, may paihi operation sa Brgy. Alangan, Limay, Bataan at maging sa  Mariveles; Floridad Blanca, Pampanga at Tarlac ng  magkapatid na sina Bogs at Goto at anak na si alyas Cholo.

Bilyones ang nawawalang buwis sa gobyerno dahil sa ‘di mahinto-hintong petro smuggling at operasyon ng paihi sa bansa.