PBBM, wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19

PBBM, wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19

July 13, 2022 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Batay aniya sa pinakahuling health bulletin, dalawang araw nang hindi nakararanas ng mga sintomas ng virus ang pangulo.

Dahil dito, posibleng sa Biyernes ay makalabas na si Pangulong Marcos na kasalukuyang naka-home isolate.

Matatandaang Biyernes nang magpositibo sa COVID-19 ang pangulo kung saan inabisuhan siyang mag-isolate sa loob ng pitong araw alinsunod sa health protocols ng Department of Health. RNT/ JCM