PCAPT. PANLAQUI, 2022 METROBANK FOUNDATION OUTSTANDING POLICE OFFICER

PCAPT. PANLAQUI, 2022 METROBANK FOUNDATION OUTSTANDING POLICE OFFICER

September 22, 2022 @ 1:40 PM 7 days ago


KAHANGA-HANGA ang aking kababayan sa Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite. Si PCapt. Rosalino Espineli Panlaqui, chief ng Jala-Jala Municipal Police Station, Rizal Province na pinarangalang 2022 Metrobank Foundation Outstanding Filipino Police Officer.
Si Panlaqui, 40, ay isinilang noong June 4, 1982. Ang kanyang magulang ay sina Gng. Thelma Espineli – Panlaqui at G. Arnold Aquino Panlaqui. 
Panganay sa dalawa niyang kapatid na sina
G. Arnold Panlaqui Jr., at Gng.  Kristine Panlaqui – Cabral.
Nag-aral sa Dr. Pio De Roda Elementary School, Saint Gregory Academy at Cavite State University sa kursong BS Management, nagtuloy sa De La Salle University ng BS Criminology.
Naging kabiyak si Gng. Jenelyn R. Panlaqui at may mga anak na sina Sedlex Krister, Rheignne Krister at Skyleigh Ellie.
Naging pulis noong July 3, 2006. Sa husay sa larangang pinasok ay mabilis ang kanyang promosyon at kabi-kabilang parangal ang natanggap gaya ng 2022 Metrobank Foundation Outstnding Filipino Police Officer, 2022 Outstanding Junior Police Commissioned Officer in the Field of Police Community Relations, 2022 Best Community and Service Oriented Policing Implementor Regional Level, 2021 Outstnding Junior PCO Provincial Level at 2021 Pulis Magiting Awardee.

Pinarangalan noong Sept.5  ng Metrobank, noong Sept.9  ni President Bongbong Marcos,  noong Sept.12  ng Congress, noong  Sept.13  ng Senate at  noong Sept.14 ni First Lady Liza Marcos.

Ilan pa sa plano sa buhay ay,  “ipagpatuloy ang mga programang pang komunidad upang muling maibalik ang tiwala, kompyansa at pagmamahal ng taong bayan sa kapulisan.”
“Sa ating mga kababayan nais ko sanang ipabatid na ang susi sa isang mapayapa at progresibong komunidad ay ang magandang relasyon at pagtutulungan ng pulis at ng taumbayan. Hindi natin makakamtan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran kung hindi tayo magkakaisa. Salamat din Sir Rex, ”  dagdag ng magiting na pulis. 
PERSONAL: Congratulations PCpt. Rosalino Espineli Panlaqui, ikinararangal ka  naming mga kababayan mo sa Indang, Cavite. Ipagpatuloy ninyo ang mabubuting  hangarin ng paglilingkod sa bayan. Mabuhay  kayo Sir!