Northern Samar, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 21 pasahero ng isang bangka na lumubog sa karagatang sakop bg Capul Island sa Northern Samar.
Sa ulat ni Lt. Commander Marlowe Acevedo, public information officer ng PCG-Bicol sa PCG-Manila, binabaybay ng naturang bangka pabalik sa bayan ng Matnog mula sa nasabing isla nang hampasin ng malalaking alon.
Dahil sa malakas na alon tinangay ang bangka sa bayan ng Bulusan sa Sorsogon hanggang sa pasukin ng tubig ay tuluyang lumubog.
Agad namang naitawag sa PCG ang insidente kaya nasagip ang lahat ng pasahero nito. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)