PCG, Chinese ambassador nagkausap sa kapayapaan, pagkakaisa sa rehiyon

PCG, Chinese ambassador nagkausap sa kapayapaan, pagkakaisa sa rehiyon

December 5, 2022 @ 3:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na nakikipag-ugnayan ng maayos ang Philippine Coast Guard sa iba pang coast guard commandant sa mga bansa sa ASEAN para maisulong ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Sa kanyang pagdalo kamakailan sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies meeting 2022 sa Bali, Indonesia, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu na naging paraan ito na makausap niya ang ambassador ng China at sinabi na dapat ay sikapin na panatilihin ang relasyon ng bawat isa na nagkakaisa.

Ipinaliwanag aniya ang ‘spirit of good neighborhood ‘ sa rehiyon at ang Coast Guard bilang universal service at iisa lamang ang kanilang tungkulin.

Ito ay ang tiyakin ang kaligtasan, seguridad at maritime environment na dapat sama-sama.

Ayon kay Abu, naging maganda ang partisipasyon ng PCG sa nasabing pagpupulong kung saan nagkaroon ng deklarasyon ng pagkakaisa sa rehiyon at nariyan pa rin ang diplomasya.

“Very cordial yung atmosphere ,pero actually hindi lang ako ang nandun– kasama ko ang ibang staff natin sa coast guard na may kinalaman sa–in dealings with the issue on West Philippine Sea , about coast guard and duties,” saad ni Abu.

“The coast guard is the universal instrument in ensuring peace,security and order at sea being a universal service” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden