PCG: Chinese vessels, nasa EEZ pa rin ng Pinas

PCG: Chinese vessels, nasa EEZ pa rin ng Pinas

February 25, 2023 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Sabado na nasa loob pa rin ng maritime domain ng bansa ang mga Chinese maritime militia at coastguard vessels na namataan sa Ayungin at Sabina Shoals.

Ayon kay PCG adviser for maritime security Commodore Jay Tarriela nagsumite na ang Coast Guard ng incident report sa kamakailang isinagawang maritime domain awareness (MDA) flight.

Sa MDA flight, mamataan ng PCG ang 30 Chinese Maritime militia vessels at isang Chinese Coast Guard (CCG) vessel sa Ayungin Shoal, at Sabina Shoal.

Inilabas din ng PCG ang isang video kung saan maririnig ang isang hamon mula sa China na nagsasabi sa PCG na umalis sa lugar kahit na ito ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“What I can confirm is there’s still Chinese maritime militia and China Coast Guard vessels in Ayungin and Sabina Shoals,” sabi ni Tarriela.

Sinabi ni Tarriela na nasa desisyon na ng DFA kung irerekomenda ang panibagong diplomatic protest sa patuloy na presensya ng Chinese vessels. Jocelyn Tabangcura-Domenden