PCG:  Debris ng nawawalang helicopter, namataan sa baybayin ng Palawan

PCG:  Debris ng nawawalang helicopter, namataan sa baybayin ng Palawan

March 2, 2023 @ 3:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philiippine Coast Guard (PCG) na may nakitang lumulutang na debris na maaring galing sa nawawalang medical evacuation helicopter sa Palawan.

Sa ulat, nakita ng BRP Malabrigo ang debris sa katubigan ng Lumbucan Island sa Barangay Mangsee sa Balabac.

Ang naturang debris ay kahalintulad ng gas tank na iniulat na may markings na “R404A” at “pentaflouroethane”.

Gayunman, biniberipika pa ng PCG kung ang debris ay talagang bahagi ng medical evacuation (medevac) chopper na iniulat na nawala noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center of the Civil Aeronautics Authorty of the Philippines, ang medevac flight ay galing sa Mangsee Island sa bahagi sa Balabac,Palawan at patungong Southern Palawan Provincial Hospital sa Brookes Point nang ito ay iulat na nawawala.

Sakay nito ang piloto, nurse at pasyente at dalawanang kasamahan.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-isyu ang Flight Standards Inspectorate Service (FSIS), Flight Operations Department (FOD) at Air Traffic Service (ATS) ng permit na naka-address kay Philippine Adventist Medical Aviation Services President Captain Dwayne Harris na nagpapahintulot ng humanitarian flight operations mula Feb. 27 hanggang August 27, 2023.

Ayon naman sa CAAP, patuloy ang pagsasagawa ng search and rescue operations upang mahanap ang nawawalang medical evacuation helicopter. Jocelyn Tabangcura-Domenden