PCG: Fluvial procession 2023, matiwasay

PCG: Fluvial procession 2023, matiwasay

January 14, 2023 @ 4:45 PM 3 weeks ago


CEBU CITY, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na “generally peaceful” ang pagbabalik ng fluvial procession para sa Fiesta Señor ngayong taon.

Nagsimula ang prusisyon bandang alas-6:15 ng umaga at natapos dakong alas-9 ng umaga nitong Sabado. Naantala ng 15 minuto ang aktibidad dahil huling dumating ang imahe ng Señor Santo Niño at Our Lady of Guadalupe mula sa Nuestra Señora de Regla Parish sa Lapu-Lapu City. 

Ayon kay Commander Mark Larsen Mariano, commander ng Coast Guard Central Cebu, hindi nila inaasahan ang bilang ng vessels na lumahok sa prusisyon. Base sa kanilang tala, 189 lamang ang nagparehistrong vessels subalit sa aktwal na prusisyon, umabot ito ng halos 300.

Sa kabila nito, sinabi ni Mariano na wala silang naitalang problema sa aktibidad.

“Ang pinakamaganda sa lahat is nakisama yung panahon natin, as you can see medyo maliwanag na wala tayong ulan parang ganito na rin yata yung sinusundan natin na if ever maulan the day before the following day pagka yung D-Day mismo ng sinulog is maayos naman,” ayon kay Mariano. RNT/SA