PCG gym nasunog; P3.6M pinsala naitala

PCG gym nasunog; P3.6M pinsala naitala

June 20, 2022 @ 3:12 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Aabot sa P3.6 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa isang gym ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Binondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog bago mag-alas kuwatro kahapon sa ikalawang palapag ng istraktura na inuukupahan ng PCG sa Muelle Dela Fuente Industria, Parola Compound, Binondo.

Umabot lamang ang sunog sa unang alarma at naapula ganap na alas-4:30 ng hapon, Linggo.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog kung saan inaalam pa ang naging sanhi o pinagmulan ng apoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden