PCG handa na kay bagyong Odette

PCG handa na kay bagyong Odette

December 15, 2021 @ 9:47 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nakahanda na ang pwersa ng Philippine Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) para sa posibleng evacuation at rescue operation na isasagawa kasunod ng Bagyong #OdettePH.

Mahigpit na paalala ni CGDSEM Commander, CG Commodore Allan O Corpuz sa mga deployable response groups (DRGs) at quick response teams (QRTs) na manatiling alerto at siguruhin ang kahandaan ng kanilang search and rescue (SAR) assets para maitaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga pamilyang maapektuhan ng bagyo.

Samantala, ilang mga pasahero at rolling cargoes pa rin ang stranded dahil sa masungit na lagay ng panahon sa Bicol region.

Sa pinakahuling tala ng PCG, nasa 878 indibidwal o pasahero kasama ang drivers, at helpers sa nanatiling stranded habang nasa 439 ang rolling cargoes. Jocelyn Tabangcura-Domenden