Samar – Arestado ang dalawang lalaki sa pagtangkang magpuslit ng iba’t-ibang uri ng baril sa Samar.
Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) , Captain Ronnie Gavan, Central Vizayas District Commander, 10 kalibre 38, apat kalibre 45 na may magazine na walang lamang bala, at 5 pang ekstrang magazine ng kalibre 45 ang nasamsam sa mga suspek.
Ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Coast Guard Sub-Station Tinago at Philippine National Police Maritime 7 ang operasyon sa isang shuttle bus na galing munisipalidad ng Marabut, Samar na sakay naman ng passenger/cargo vessel na MV Joyful of Star ng Roble Shipping patungong Ormoc, Leyte.
Kakasuhan ng violation of Section 28, Article V of Republic Act 10591 o mas kilala sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kaugnay nito, inatasan na ni Coast Guard Commandant Admiral Elson Hermogino ang lahat ng PCG personnel sa Cebu at lahat ng PCG units na maging bigilante sa lahat ng pantalan at harbours sa buong bansa laban sa mga iligal na aktibidad.
Matatandaan na kamakailan lamang ay naharang ng PCG ang 46 unit ng kalibre 45 pistol at naaresto ang taylong petsobalidad sa Samboan, Cebu.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)