PCG kailangan ng 20 offshore patrol vessels

PCG kailangan ng 20 offshore patrol vessels

February 27, 2023 @ 3:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangangailangan ang Philippine Coast Guard (PCG) ng hindi bababa sa 20 offshore patrol vessels upang mapanatili ang presensya nito sa West Philippine Sea at iba pang teritoryong karagatan ng bansa.

Sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Affairs Commodore Jay Tarriela na ang pagpapataas sa bilang ng mga offshore patrol vessel ay kanilang prayoridad.

Ayon kay Tarriela, ang PCG ay kasalukuyang mayroon lamang tatlong offshore patrol vessels – isa rito ay binili mula sa France at dalawa mula sa Japan.

Aniya, hindi sapat ang mga sasakyang ito para protektahan ang mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea.

Ang panawagan para sa higit pang mga offshore patrol vessel ay kasunod ng kamakailang mga maritime incident sa pagitan ng PCG at ng Chinese Coast Guard.

Pebrero 6 nang gumamit ng laser ang China Coast Guard sa mga crew ng PCG sa Ayungin Shoal at naispatan din nito ang halos 30 hinihinalang Chinese maritime militia vessels sa Sabina at Ayungin Shoal na parehong nasa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden