PCG magkakasa ng marine pollution exercise

PCG magkakasa ng marine pollution exercise

October 26, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Marine pollution Exercise ( MARPOLEX) 2022, ang multilateral biennial maritime pollution exercise sa Maynila.

Ayon sa PCG, mula Oktubre 24 hanggang 27, 2022 ay ipapakita sa MARPOLEX Manila 2022 ang kakayahan ng PCG sa oil spill response, firefighting, at search and rescue sa panahon ng maritime incidents na mangyayari sa baybayin sakop ng Pilipinas.

“This initiative tests, evaluates, and enhances the effectiveness of the PCG’s working relationship with other concerned government agencies and maritime stakeholders,” saad ng PCG.

Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Abu, ang opening ceremony ng nasabing pagsasanay.

Samantala, pagkatapos ang aktibidad ay tumuloy si Abu sa North Harbor Port upang mag-inspeksyon at itsek ang komisyon ng mga pasahero sa pantalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden