PCG may libreng sakay sa Valentine’s Day

PCG may libreng sakay sa Valentine’s Day

February 13, 2023 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Valentines Day ngayong 2023, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay mag-aalok ng libreng sakay bukas, Pebrero 14.

Ayon sa PCG, dalawang bus ang kanilang idedeploy para sa naturang programa na may rutang PITX-Monumento vice-versa.

Tatakbo ang libreng sakay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi para sa mga pasahero.

Ang programa ng PCG ay bilang regalo na rin sa mga commuters sa nasabing araw na maging maginhawa ang kanilang paglalakbay. Jocelyn Tabangcura-Domenden