PCG member, sibilyan tiklo sa illegal gun discharge

PCG member, sibilyan tiklo sa illegal gun discharge

January 2, 2023 @ 9:06 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na naaresto ang sibilyan at miyembro ng Philippine Coast Guard dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“The celebration was resoundingly safer compared to previous years except for two incidents of indiscriminate firing without victims that were reported in Iloilo and Quezon City involving one civilian and a member of Philippine Coast Guard who were both arrested by responding police officers,” pahayag ng PNP.

Sa kaugnay na ulat, dalawang indibidwal ang naibalitang natamaan ng ligaw na bala sa Abra.

Hanggang nitong Linggo, ang bilang ng mga biktima ng fireworks-related injuries ay umabot sa 137, base sa DOH. RNT/SA