PCG: Mga pasahero sa mga pantalan, patuloy sa pagdagsa

PCG: Mga pasahero sa mga pantalan, patuloy sa pagdagsa

December 22, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa para sa holiday season.

Sa inilabas na bagong update ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2022 ngayong umaga, kabuuang 26,713 outbound passengers at 21,569 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa Pilipinas na ang naitala o na-monitor.

Bukod dito, 2,080 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nakapag-inspeksyon na ng 225 vessels at 242 motorbancas.

Nanatiling nasa heightened alert ang PCG district station at sub-stations upang mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan mula Dec. 15 hanggang Jan. 7, 2023

Hinikayat ang publiko na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o ang Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa katanungan at alalahanin, paglilinaw kaugnay sa kaugnay sa travel protocols at regulasyon ngayong Yuletide Season. Jocelyn Tabangcura-Domenden