PCG modernization siniguro ng transport chief

PCG modernization siniguro ng transport chief

January 13, 2023 @ 11:05 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ituloy ag komprehensibong modernisasyo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng pagkuha ng bagong assets at training para sa kanilang mga opisyal.

Sinabi ni Bautista na ang modernization efforts ay gagawin na isang “world-class” service ang PCG at bubuo ang mga tauhan nito upang maaring gumanap tulad ng  Coast Guard ng iba pang mauunlad na bansa

Sa ngayon, ani Bautista ay mayroon nang mahigit 26,000 personnel ang PCG kumpara sa 7,000 personnel lamang sa nakalipas na mga taon.

Ang PCG, aniya, ay “gumaganap ng mahalagang papel” sa kaligtasan at seguridad sa dagat at nanawagan para sa patuloy na diplomasya sa soberanong tubig ng bansa.

Pinuri rin ni Bautista ang PCG  sa kanilang humanitarian efforts tulad ng pagtulong sa search and rescue gayundin din ang pagiging first responders sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Binanggit din nito ang papel ng PCG sa marine environmental protection kasama ang pag-uuaig ng mga  illegal poachers.

Nauna rito, pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, ang turnover at blessing ng 31 bagong land mobility assets sa PCG national headquarters sa Port Area, Manila.

Ang naturang mga sasakyan ay gagamitin ng ibat-ibang staff officers ,major commands, units at Coast Guard district para palakasin sa kanilang serbisyo at performance. Jocelyn Tabangcura-Domenden