PCG modernization suportado ng mga mambabatas

PCG modernization suportado ng mga mambabatas

February 26, 2023 @ 9:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ng mga mambabatas ang panawagan ng modernization para sa Philippine Coast Guard.

“The Commandant [PCG Admiral] Artemio Abu has already received support from various lawmakers—senators and even congressmen—expressing their support for Coast Guard modernization and also helping us receive additional funds to sustain our patrol in the West Philippine Sea,” ani PCG adviser for maritime security Commodore Jay Tarriela nitong Sabado, Pebrero 25.

Kasabay ng forum, idiniin ni Tarriela ang kahalagahan ng modernization sa PCG kasunod ng panggigipit ng China sa dagat na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Matatandaan na noong Pebrero 6 ay tinira ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard ang barko ng PCG na BRP Malapascua habang ito ay nasa Ayungin Shoal.

Sa halip na humingi ng tawad ay sinisi pa ng China ang PCG at sinabing pumasok kasi ito sa teritoryo nila nang walang permiso.

Ani Tarriela, kailangan na ng pondo ng PCG para sa imprastruktura katulad ng berthing areas.

“We do not have our own headquarters… these are the priorities that we need to have under the leadership of our commandant,” aniya.

“Secondly, berthing spaces where the Philippine Coast Guard can put multi-billion peso assets,” dagdag pa nito.

Ayon sa opisyal, kailangan ng Coast Guard ng modernization law “so we can program those acquisitions, heighten our patrol, and build our radars.” RNT/JGC