PCG modernization susuportahan ni PBBM

PCG modernization susuportahan ni PBBM

October 19, 2022 @ 2:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Susuportahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-121 founding anniversary ng PCG sa Port Area, Manila.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming mga bagong gampanin ang mga miyembro ng coast guard sa labas ng kanilang balwarte.

“Now, you are in the frontline in the defense of our maritime territory, in defense of our economic zones, in defense of our baselines. Although this may not have been originally part of the mission of the Philippine Coast Guard, you have nonetheless been performing that mission with honor, with skill, with dedication,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

“As your leader, I assure you that this administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of service to the nation,” wika pa ng Pangulo.

Pinuri naman ng Chief Executive ang PCG dahil sa kahanga-hangang record nito bilang “oldest and only humanitarian armed service” ng bansa simula noong 1901.

Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang mga tauhan ng PCG para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa karagatan, pagbibigay ng tulong sa mga distressed Filipino, lalo na sa panahon ng natural calamities at sakuna sa karagatan.

“Throughout your century-old narrative, you have never failed to heed the call of your fellow Filipinos, always in their time of need,” ang wika ng Pangulo sabay sabing,

“This success speaks well of your loyalty, your perseverance, and also your triumphs in carrying out your mandates, as you continuously evolve into a more reliable, relevant agency over the years in the future.”

Ang PCG ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa pagganap sa maritime search and rescue, maritime law enforcement, maritime safety, marine environmental protection at maritime security.

Dagdag pa rito, kumpiyansang inihayag ng Pangulo na ang PCG ay magiging world-class na tagapagtanggol ng karagatan para sa mas ligtas at maunlad na bansa.

“As you fulfill your duty, know very well that you will never sail as a lone body in these unsettling waters. The entire force of the Filipino people will fuel your voyages, aiding you in your mission, as you brave our seas and make a difference in the lives of the people that you serve,” ayon sa Pangulo.

“I urge you to continue your dedication and persistence in your duties and responsibilities and move full throttle towards the realization of your vision to be a world-class guardian of the sea — committed to save lives, assure safer maritime transportation, ensure cleaner seas, and secure maritime jurisdiction,” dagdag na wika pa nito.

Sa nasabi pa ring event, nagkaloob naman si Pangulong Marcos ng awards sa 13 outstanding PCG personnel at nakatanggap naman ng isang memento mula sa Coast Guard.

Nagkaroon din ang Pangulo ng tour ng BRP Gabriela Silang, itinuturing na “largest offshore patrol vessel” ng PCG. Kris Jose