PCG muling sinubukang itinaboy ng Tsina sa Ayungin Shoal

PCG muling sinubukang itinaboy ng Tsina sa Ayungin Shoal

February 24, 2023 @ 10:36 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling itinaboy ng barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight sa Ayungin Shoal noong Martes.

Sa inilabas na bidyo ng PCG, maririnig ang radio challenge mula sa China na nagsasabi sa PCG na umalis sa lugar kahit na ito ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“You are entering the security of (Chinese)…Leave immediately the area of control as to (prevent)…any misunderstanding,” maririnig dito.

Natanggap ng PCG ang radio challenge habang sila ay may MDA flight kung saan namataan nila ang CCG vessel na isang milya lamang ang layo ng Philippine vessel na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa kabila nito, sinabi ng PCG na ipagpapatuloy nito ang pagpapatrolya sa lugar.

Sa byahe ng MDA, nakita ng PCG ang 30 hinihinalang Chinese maritime militia vessel at isang CCG vessel sa Ayungin Shoal at Sabina Shoal.

Nauna nang sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na ang Cessna Caravan 2081 ng PCG ay lumipad sa lugar upang obserbahan at magsagawa ng radio challenges sa CCG vessels.

Ang PCG plane ay lumapit sa 10 nautical miles mula sa Ayungin Shoal at naglabas ng radio challenge sa CCG 5304 vessel na umalis kaagad sa lugar.

Gayunpaman, naglabas ang Chinese vessel ng “unclear” radio challenge at napanatili ang presensya nito sa shoal, ayon sa NTF-WPS. RNT