PCG nagdagdag ng patrol vessels sa WPS

PCG nagdagdag ng patrol vessels sa WPS

January 23, 2023 @ 8:38 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng insidente kamakailan sa Ayungin Shoal, sinabi ng Philippine Coast Guard’s Task Force Pag-Asa na dinagdagan nito ang patrol vessels saWest Philippine Sea.

Ayon sa PCG, para rin ito sa kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda, kasunod ng insidente nitong January 9, kung saan napaulat na tinaboy ng Chinese Coast Guard ang isang Filipino fishing boat sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu na ipagpapatuloy ng PCG ang pagsunod sa rules-based approaches sa pagtitiyak sa seguridad ng Exclusive Economic Zones (EEZ) ng bansa.

Inihayag naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Medel Aguilar sana tinutugunan na ng PCG ang insidente.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Chinese Embassy hinggil sa Ayungin Shoal incident.

Naganap ang insidente matapos magkasundo ng Manila at Beijing na magtatag ng “direct communication line” tuwing may maritime incidents kagaya nito sa West Philippine Sea. 

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng teritoryo sa kabila ng international court ruling na kung saan sinabing walang legal basis ang claim nito. RNT/SA