PCG nagdiwang ng ‘bark day’ ng kanilang 2 aso

PCG nagdiwang ng ‘bark day’ ng kanilang 2 aso

November 20, 2020 @ 3:43 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binigyan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang aso mula sa K9 Force ng PCG sa Zamboanga City ng birthday celebration kahapon, November 19.

Sa Facebook post, ibinahagi ng PCG Canine Force ang larawan ni Britney, search and rescue dog, at Barley na explosive detection dog na nagdiriwang ng kanilang ikalimang “bark day”.

“They have been in the service to our people and (the) country for four years and counting.”

Si Britney at Barley ay Golden Retrievers na hinahawakan ni PO1 Miguel L. Yniego Jr ng PCG.

Batay pa sa PCG Canine Force, si Britney ay “a recipient of the “Dog of the Year Unit Award” sa dalawang magkasunod na taon. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...