PCG nagkasa ng search and rescue ops para sa Taiwanese fishing vessel

PCG nagkasa ng search and rescue ops para sa Taiwanese fishing vessel

February 27, 2023 @ 9:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpadala ng search and rescue team ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang air at floating assets upang hanapin ang nawawalang Taiwanese-flagged fishing vessel Sheng Feng No 128.

Huli umanong nakita ang fishing vessel sakay ang isang mangingisdang Taiwanese at limang Indonesian na may layong 414 nautical miles northwest ng Palau noong February 17, 2023.

Agad namang inatasan ni PCG Command Center ang Coast Guard Districts in Eastern Visayas, Bicol, Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Northeastern Luzon na magsagawa ng SAR operations.

Ito ay matapos makatanggap ng request ang PCG mula kay Taiwanese Coast Guard Attache Commander Arthur Yang na nagbigay ng updates kaugnay sa nagpapatuloy na SAR operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden