PCG nagpasaklolo sa US sa OrMin oill spill

PCG nagpasaklolo sa US sa OrMin oill spill

March 11, 2023 @ 3:46 PM 2 weeks ago


MANILA – Pormal nang humingi ng tulong ang Philippine Coast Guard sa United States sa paglilinis ng oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro, ayon kay commandant Admiral Artemio Abu.

“Kung ano ang tulong na ibibigay nila, response equipment… and everything. Kung ano ang sa aabot ng kanilang kakayahan na maibibigay sa atin. They know it kung ano ang kailangan natin sa panahon na ito,” ani Abu sa isang media forum sa Quezon City.

“Mas marami silang karanasan at kaalaman sa isyung ito. It’s just a matter of making known to them na humihingi tayo ng tulong sa kanila,” dagdag pa niya.

Sinabi ng hepe ng Coast Guard na “maraming bansa” ang nauna nang nagpresenta na makatulong sa pagpigil sa oil spill.

“Sa Lunes, may ibang bansa na gustong makita ang pamunuan ng PCG to be able to extend assistance to figure out how they would be of help sa Philippine Coast Guard and the Philippine government,” dagdag pa niya.

Nangangailangan sila ng mas maraming remote-operated na sasakyan ngayong nahanap na nila ang oil tanker, ani Abu. Ang PCG ay mayroong mga sasakyang ito ngunit hindi ito makakapasok sa lalim na 400 metro kung saan naroon ang barko. RNT