PCG nagpatrulya sa Pasig River para sa inagurasyon ni PBBM

PCG nagpatrulya sa Pasig River para sa inagurasyon ni PBBM

June 27, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagsimula nang magpatrolya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay at Pasig River bilang bahagi ng security measures  para sa inagurasyon  ni President-elect Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, mayroon nang nakaposte sa Manila Bay at Pasig River at magfu-full blast  ng mga personnel sa pagdeploy bukas, Martes.

Aniya, magdedeploy din ng tatlong multi-role response vessels (MRRVs).

Nauna nang sinabi ng PCG na magpapatupad ng no-sail zone sa Hunyo 30 sa bahagi ng Pasig River malapit sa Malakanyang.

Ngayong umaga, ipinakita ng coast guard ang mga PCG vessels na ide-deploy sa inagurasyon sa bisinidad ng Manila Bay. Jocelyn Tabangcura-Domenden