PCG, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2019

PCG, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2019

April 8, 2019 @ 2:05 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Naka-heightened alert status na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan at ferry terminals sa buong bansa bilang bahagi ng paghihigpit sa seguridad at kaligtasan ng mga pasahero ngayong Holy Week.

Nagsagawa ng send-off ceremony ang pamunuan ng National Headquarters Philippine Coast Guard Manila para paalalahan ang lahat ng PCG personnel na siguraduhin na mababantayan ang lahat ng mga daungan ng barko para sa ligtas na Semana Santa 2019. Jhun Mabanag

Kasabay ng sendoff ceremony ng mga barko at Deployable Response Groups (DRGs) ngayong araw sa PCG headquarters, inatasan ang lahat ng Coast Guard District sa buong bansa na  maging bigilante sa pag-iinspeksyon sa mga pasahero at bagahe upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng paglalakbay.

May itatalaga ring mga K9 teams, special operations  forces, harbor  patrols  at ship inspectors at medical team  sa mga pantalan  na handang umasiste  sa mga emergency cases.


Nagsagawa ng send-off ceremony ang pamunuan ng National Headquarters Philippine Coast Guard Manila para paalalahan ang lahat ng PCG personnel na siguraduhin na mababantayan ang lahat ng mga daungan ng barko para sa ligtas na Semana Santa 2019. Jhun Mabanag

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, maging ang mga beach ay mahigpit na imo-monitor ng mga coastal security patrol teams at rescue personnel na katuwang ng mga lifeguards.

May PCG vessels din na ipakakalat sa buong bansa upang magsagawa ng maritime patrols at ng iba pang mandato ng PCG.

Mababantayan ng coast guard units 24/7 at ang lahat ng PCG personnel and assets ay handang tumugon ng mabilis sa pandagat o anumang pangyayari sa panahon ng Semana Santa o Summer season.

Nilinaw din ni Admiral Hermogino na walang security threath sa bansa ngunit bilang preaparasyon ng paparating na Holy Week ay pinaigting  lamang ang deployment ng kanilang mga tauhan.

(C) Jhun Mabanag

Babantayan din mg PCG ang mga kolurom na sasakyang pandagat gayundin ang mga overloading upang masiguro na ang barko ay seaworthy na maglayag sa dagat, dapat may sapat na bilang ng lifesaving equipment at may sapat na dokumento para sa ligtas na paglalayag  “Oplan  Biyaheng Ayos Semata Santa 2019”.


(C) Jhun Mabanag

Mayroon ding itatalaga sa lahat ng daungan na Department of Transportation (DOTr), Malasakit Help Desk na tatauhan ng PCG  kasama ng Maritime Industry Authority (Marina), Office of Transportation Security (OTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Philippine Port Authority (PPA) bilang pangunahing ahensya para sa Maritime Sectors at Cebu Ports Authority na lead agency naman para sa Cebu Port Sectors na layong makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga hinaing ng mga manlalayag at matugunan ng mabilisan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)