PCG naka-heightened alert na sa holiday season

PCG naka-heightened alert na sa holiday season

December 16, 2022 @ 11:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

Ayon sa PCG, simula kahapon, Disyembre 15 ay nagsagawa na sila ng mga heightened vessel inspections, pinalaki ang bilang ng mga port personnel para matiyak ang seguridad, at nagbigay ng mga personal help desk sa iba’t ibang seaport terminals.

Inatasan din ang mga tauhan ng Coast Guard na magsagawa ng pagpapatrolya at maghanda ng mga deployable response group at contingency plan, tulad ng pagbibigay ng sapat na life vests para sa ligtas na paglalayag.

Magpapatuloy ang heightened alert hanggang sa Enero 7, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden