PCG naka-heightened alert para sa Undas 2022

PCG naka-heightened alert para sa Undas 2022

October 24, 2022 @ 12:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasado na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa paggunita ng Undas 2022.

Sa kautusan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang mga operating unit ay nasa “heightened alert” simula ngayong araw, 24 Oktubre 2022, hanggang Nobyembre 3, 2022.

Sinabi ni Abu na inaasahan ng PCG na ang dadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang probinsya sa Undas .

Inaasahan din na maging ang mga bisita at turista ay dadagsa rin sa MGA tourist destination kaya naman mahigpit din ang gagawing pagbabantay ng coast guard personnel.

“Our PCG Districts conduct 24/7 operations to monitor nautical highways routes, especially in the Visayas where the majority of tourist destinations are situated. I have instructed concerned units to ensure maritime security and safety in our western and eastern seaboards, as well as inter-island routes. Our deployable response groups (DRGs) and PCG Auxiliary volunteers are also augmenting these operations,” sabi ng komandante.

Kabilang sa Western seaboard monitoring ang mga rehiyon ng Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Iloilo, at Zamboanga.

Samantala, ang eastern seaboard monitoring ay sumasaklaw sa Manila, Bicol region, Samar, Leyte, at Surigao provinces.

“We have maritime safety inspectors in port terminals, law enforcement teams in strategic locations, maritime patrol teams in critical vicinity waters, and DRGs on standby for possible search and rescue missions during maritime incidents or emergencies,” dagdag pa ni Admiral Abu.

Higit pa rito, pinaigting ng PCG ang mga operasyon kasama ang Philippine Ports Authority (PPA) at ang Maritime Industry Authority (MARINA), partikular sa pagsasagawa ng vessel safety at security inspections on board, gayundin sa pagpapaalala sa mga pasahero ng pantalan na magsuot ng kanilang mga face mask upang makontrol ang pagkalat ng ang virus.

Ang mga PCG unit ay nagsasagawa rin ng foot patrol sa mga pangunahing port terminal at tourist destinations upang patuloy na paalalahanan ang pangkalahatang publiko na manatiling alerto sa lahat ng oras at magbigay ng karagdagang tulong.

“We encourage our port passengers and tourists to remain vigilant during their trip and to report to authorities any suspicious baggage or person for immediate action,” binigyang-diin ng PCG Commandant sa mga coast guard personnel sa flag raising ngayong Lunes. Jocelyn Tabangcura-Domenden