PCG namahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Karding sa Bulacan

PCG namahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Karding sa Bulacan

September 30, 2022 @ 3:57 PM 2 months ago


SAN MIGUEL, Bulacan – Kahon-kahong mga relief packs ang ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga apektadong pamilya dahil sa paghagupit ng bagyong Karding.

Ayon sa PCG, mahigit 1,400 pamilya sa San Miguel, Bulacan ang natulungan ng PCG at PCG Auxiliary (PCGA) sa isinagawang relief operation.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng bigas, tinapay at purified drinking water.

Layon ng naturang inisiyatibo na makatulong sa unti-unting pagbangon ng mga residente sa iniwang pinsala ng bagyo.

Ayon sa PCG, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang relief operations sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Karding. Jocelyn Tabangcura-Domenden