PCG nanguna sa SAR exercise sa Iloilo at Guimaras

PCG nanguna sa SAR exercise sa Iloilo at Guimaras

August 13, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas ang search and rescue (SAR) exercise sa katubigan sa pagitan ng Iloilo at Guimaras nitong Biyernes.

Ito ay upang bumuo ng isang updated na SAR Contingency Plan at mapahusay ang mga kakayahan sa SAR ng mga kalahok na ahensya ng gobyerno.

Layunin din ng aktibidad na mapanatili ang pinakamataas na operational readiness ng mga tauhan ng PCG, partikular sa pagtugon sa maritime incidents at pagtiyak ng maritime disaster preparedness.

Pinangunahan ni PCG District Western Visayas Commander, CG Commodore Edgar Ybañez, ang SAR exercise.

Ang mga ahensya ng gobyerno na nakiisa sa exercise ay ang BRP Enrique Jurado (PC-371), Joint Task Force Spear, 61st Infantry Battalion of the Philippine Army, Office of Civil Defense VI, RDRRMC VI, Philippine Red Cross Region VI, Iloilo Watercraft Association, PCG Auxiliary, Department of Health, Bureau of Customs, Philippine Port Authority VI, Bureau of Fire Protection Region VI, Police Regional Office VI, at PNP Maritime RMU VI. Jocelyn Tabangcura-Domenden