Manila, Philippines – Nasa hightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng pagsabog sa Basilan.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson E Hermogino, inalerto na nila ang buong tropa sa lahat ng pantalan at isinailalim na sa maximum security ang lahat ng operating unit ng PCG lalo na ang nasa Coast Guard District Southwestern Mindanao.
Ang security operations ay hinigpitan na rin dahil sa naganap na car bomb sa harap Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) Detachment sa Sitio Magkawit, Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan, kung saan pito ang namatay at tatlo ang sugatan kahapon, Hulyo 31, 2018.
Ayon pa sa opisyal, lahat ng PCG units ay inatasan na ilagay sa maximum security alert at pinaigting ang pagbabantay lalo na mayroong terorista o international bombers na nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
Patuloy namang pinag-aaralan ng District Commander ng Southwestern Mindanao ang sitwasyon upang mapalakas pa ang koordinasyon at security forces sa lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)