PCG nasa ‘heightened alert’ status para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021

PCG nasa ‘heightened alert’ status para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021

December 13, 2021 @ 6:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Mula Disyembre 16, 2021 hanggang Enero 5, 2022, naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021 ng Department of Transportation (DOTr).

Sa direktiba ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade, inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo V Laroya ang mga District, Station, at Sub-Station Commanders na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa lahat ng daungan, pantalan, at angkop na mga lugar kung saan inaasahan ang matinding pagdagsa ng mga pasahero dahil sa Christmas season break.

Upang masiguro na maayos ang operasyon ng sea transport facilities,
maginhawang paglalakbay ng riding public, gayundin ang kaligtasan at seguridad ng mga bisita sa resort, ipatutupad ng PCG ang mga sumusunod:

  • Magsagawa ng heightened vessel inspections upang matiyak ang pagiging seaworthiness ng lahat ng mga sasakyang pantubig.

  • Dagdagan ang mga tauhan ng daungan sa pamamahala ng mga pasahero at maritime traffic.

  • ‘Malasakit Help Desks’ sa ibat-ibang seaport terminals para sa pagbibigay ng tulong sa mga pasahero

  • Makipag-ugnayan sa Maritime Industry Authority (MARINA) para sa pagproseso ng mga espesyal na permit para sa karagdagang biyahe ng mga sasakyang pandagat kung kinakailangan.

  • Magsagawa ng mga foot patrol upang matiyak na ang mga lifeguard, kagamitan sa pagsagip, at mga pasilidad ng first aid sa mga beach, coastal, at island resort na available at madaling ma-access.

  • Maghanda ng deployable response groups (DRGs) at contingency plans para sa maritime incidents/emergencies.

  • Magdeploy personnel sa critical areas upang masiguro ang Coast Guard visibility.

  • Magpatupad ng information drives sa mga stakeholder at riding public, partikular sa maritime safety advisories sa panahon ng masamang panahon.

  • Magbigay ng mga frontline personnel upang suportahan ang Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagtiyak sa pagsunod sa minimum public health standards sa lahat ng oras.

  • Magpaalala sa manlalakbay at vessel crew sa mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ang pagsunod sa physical distancing sakay ng mga passenger vessel at iba pang mga sasakyang pang-tubig.

  • Ayusin ang mga medical team na mabilis na tutugon sa anumang medikal na sitwasyon sa mga daungan at pangunahing resort.

  • Simulan ang mga aktibidad sa paglilinis sa baybayin upang paalalahanan ang mga stakeholder, mga bisita sa resort, at ang pangkalahatang publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran ng dagat.

Bukod dito, inatasan ni CG Admiral Laroya ang mga yunit ng Coast Guard na tiyakin na ang operasyon ng colorum o undocumented watercrafts ay hindi papahintulutan sa pamamagitan ng isang pinaigting at napapanatiling kampanya sa kamalayan ng publiko at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at regulasyon laban sa mga lumalabag.

“Our floating assets shall be strategically deployed in areas with expected heavy inbound and outbound of passengers. Meanwhile, our PCG capital ships and air assets will conduct seaborne patrols and maritime surveillances over major sea lanes and beach resorts, in coordination with concerned Coast Guard districts,” ayon sa Coast Guard Commandant.

“We will also work closely with local Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Ports Authority (PPA) and shipping companies and emphasize integrated commitment to security and safety in water transport services by improving and enforcing safety standards and regulations, such as inspection of baggage and implementation of security layers in ports and passenger terminals to prevent hostile elements from perpetrating terrorist acts and other focus of security threats, and likewise, to strictly prevent excess passengers during voyages,” dagdag pa ni CG Admiral Laroya.

Bilang sibilyan na sangay ng PCG, ang mga boluntaryo ng PCG Auxiliary (PCG) ay na-tap din para magbigay ng force augmentation at maghanda para sa mga posibleng rescue operations at/o relief mission sa panahon ng Pasko. Jocelyn Tabangcura-Domenden