PCG OFFICIALS AT PCGA EXECUTIVE SQUADRON, BINIGYANG PAGKILALA

PCG OFFICIALS AT PCGA EXECUTIVE SQUADRON, BINIGYANG PAGKILALA

August 30, 2022 @ 2:53 PM 1 month ago


PINANGUNAHAN ni Philippine Coast Guard (PCG) commandant, admiral Artemio Abu ang pagkakaloob ng pagkilala sa ilang opisyal nito at piling volunteer-officials ng PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron nitong August 15, 2022 kasabay ng morning colors o regular flag raising ceremony. Kaugnay ito sa matagumpay na pagdaraos ng 37th National PCG Auxiliary Convention para sa 50th anniversary ng PCGA sa temang “Dynamic Synergy at 50 and Beyond: A Key to Proactively Protect the Environment and Serve the Community” na ginanap sa Lapu-Lapu city, Cebu.

Binigyan ng PCGA Outstanding Achievement Medal and Ribbon sina auxiliary rear admiral Dr. Robert Sy, ang mga auxiliary commodores na sina Marissa Sy, Edwin Fan, Juno Ong at Ramon Chuaying, at ang inyong Agarang Serbisyo Lady na isang auxiliary rear admiral.

 Ipinagkaloob naman kina CG lieutenant commander Romel Dua at Bryan Evangelista at CG senior chief petty officer Brian Iso ang Award for Coast Guard Superior Achievement Medal and Ribbon.

 Habang tumanggap naman ng Award of Coast Guard Merit Medal and Ribbon sina CG commodore Armando Balilio, CG lieutenant junior grade Gerald Cordero at CG ensign Erika Mae Kharil na nagsilbong presentors sa national convention.

 Labis na ikinatuwa ni CG admiral Abu ang pagdaraos ng PCGA national convention ngayong taon na kinatampukan ng “Commandant’s Night” bilang parangal sa kanya na siyang nakaupong commandant at ang “National Directors Night 50th Anniversary Ball”. Nagbigay presentasyon din ng mga katutubong sayaw ang dance troupe mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

 Ang PCGA ay boluntaryong civilian arm group ng PCG na isang “force multiplier” para sa pagsasagawa ng mga coastal clean-up drives, scuba diving operations for marine environmental preservation, humanitarian assistance, bloodletting, medical missions, at disaster response operations.