PCG, PCGA AT NWRB NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN UP 2022

PCG, PCGA AT NWRB NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN UP 2022

September 21, 2022 @ 5:04 PM 2 weeks ago


UMABOT sa halos isang libong sako ng non-biodegradable waste materials ang nakuha ng mga tauhan ng PCG o Philippine Coast Guard at ng Philippine Coast Guard Auxiliary o PCGA sa kanilang paki-kibahagi sa ginanap na International Coastal Clean-up sa Manila Baywalk Dolo-mite Beach sa lungsod ng Maynila nitong nagdaang Sabado, September 17 na may temang ‚ÄúFighting for Trash Free-Seas, Pilipinas!‚ÄĚ

 

Ikinalungkot ni CG rear admiral Robert Patrimonio, commander, Marine Environmental Protection Command, ang mga nakuhang basura na kinabibilangan ng plastic bottles, slippers, cigarette butts, plastic cups, shampoo at iba’t ibang sachet, food and candy wrappers, diapers, at face masks na maaari naman sa-nang naitapon ng maayos at hindi na napunta pa sa Manila Bay.

 

Tumulong din ang PCG Auxiliary Executive Squadron, Manila Chinese Action Team, mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Peno-logy, Climate Change Commission, Department of Environment and Natural Resources, National Water Resources Board, Manila Water, Maynilad Water at Office of the Vice President.

 

Nagkaroon din ng coastal clean-up sa 13 coastal guard districts, 54 coast guard stations, at 190 coast guard sub-stations sa buong bansa.

 

Isinasagawa ang International Coastal Clean-up tuwing ikatlong Sabado sa buwan ng Setyembre alinsunod sa Pre-sidential Proclamation No. 470.
Layon nito na maitaas ang antas ng kaalaman ng publiko at makuha ang kanilang suporta para sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybayin, dalampasigan, look o anu-mang anyong tubig ng bansa.

 

Ayon sa United Nations Environment Program, isa ang Pilipinas sa ‚Äúworld‚Äôs worst offenders on marine plastic pollution‚ÄĚ kung saan 20% ng kabuuang 2.7 million tons ng basu-ra ay napupunta sa mga kara-gatan, dagat, look at mga ilog.

 

Sumabay ang coastal clean-up sa obserbasyon ngayong taon ng Maritime Archipelagic Nation Awareness Month at sa 23rd Maritime Week ayon sa Presidential Proclamation No. 316 at No. 866.