PCG, PH Army nagsagawa ng weapons familiarization, marksmanship training

PCG, PH Army nagsagawa ng weapons familiarization, marksmanship training

April 4, 2022 @ 12:48 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sumailalim sa weapons familiarization at marksmanship training ang mga opisyal at personnel ng Philippine Coast Guard Public Affairs (CGPA) sa 2nd Infantry Division, Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Nakiisa rin sa inisyatiba ang mga miyembro ng Department of Transportation (DOTr) Communications Office.

Sa pamamagitan ng mga talakayan at aktwal na pagsasanay sa marksmanship, ang mga kalahok mula sa PCG at DOTr, gayundin ng mga instruktor mula sa Philippine Army (PA) ay nakapagpalakas ng pakikipagkaibigan at nagpapabuti sa interoperability.

Bukod dito, nag-courtesy call si CGPA Commander at DOTr Communications Office Consultant, CG Commodore Armando Balilo sa Commander ng 2nd Infantry (Jungle Fighters) Division, Major General Rowen Tolentino PA.

Sa pagpupulong, tinalakay nila ang pagpapahusay ng pagtutulungan ng PCG, DOTr, at PA sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga pasilidad at kagamitan para mapabilis ang paghahatid ng serbisyo publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden